MAY P400 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng awtoridad sa inilatag na buy-bust operation sa Lipa, Batangas, kaninang umaga, Disyembre 25.
Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Batangas Police, ang kanilang sinalakay ay farm ng mga pangsabong na manok sa may LPL Compound sa Barangay Inosluban na noon pang Setyembre binabantayan ng naturang ahensya.
Nasabat ang 80 kilo ng shabu at naaresto sina Garry Tan, Filipino-Chinese, RJ Argenos at Rochelle Argenos na mga carertaker ng nasabing farm na pag-aari ng isang Filipino-American.
Hinala ng pulisya na posibleng galing sa Mexico ang mga nasabat na droga.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
The post P400-M shabu, nasamsam sa Batangas poultry farm appeared first on Remate.