GINAHASA muna bago pinatay at saka ipinaanod ang bangkay ng isang 4th year high school student sa dam sa Ilocos Norte, kaninang madaling araw, Enero 3.
Ang bangkay ng biktimang si Shaina Mae Asuncion, 15, ng Barangay San Pablo, Ilocos Norte ay natagpuang walang saplot sa katawan na isang indikasyon na ginahasa muna ito bago pinatay.
Natagpuan din ang kanyang damit, tsinelas at cellphone ilang metro ang layo sa naturang dam.
Blangko naman ang PNP San Nicolas kung sino ang nasa likod ng panggagahasa pero tiniyak na malalaman din nila sa lalong madaling panahon ang may kagagawan sa krimen.
Sa ulat, natuklasan ang bangkay ng biktima alas-12:45 ng madaling-araw sa gilid ng isang dam sa Barangay Bingao, San Nicolas.
Ayon sa ama ng dalagita na si Ignacio Asuncion, kahapon ay nagpaalam ang biktima na nagtungo sa bahay ng kanyang kaibigan at kaklase na isang tomboy.
Ngunit nang hindi nakauwi kagabi ay tinawagan nila ito pero hindi na nila ito makontak pa.
Ayon pa kay Mang Ignacio, maligayang-maligaya at tumatawa pa ang kanyang anak nang magpaalam sa kanya.
Paniwala ng ama na may humalay sa kanyang anak pero dahil nanlaban ay pinatay at saka itinapon sa gilid ng dam para ikubli ang krimen.
The post Dalagita niluray, pinatay saka ipinaanod sa dam appeared first on Remate.