TUMIMBUWANG sa inilatag na police operation ang isang kilabot na drug pusher habang natiklo naman ang dalawa niyang kasamahan nang manlaban sa awtoridad sa Zamboanga City, kaninang umaga, Enero 3.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si Joshua Atilano, isang kilalang tulak ng droga sa lungsod.
Nakaditine na ngayon sa Zamboanga City Police Office (ZCPO) at sasampahan ng kaukulang kaso ang mga tauhan ni Atilano na sina Eric Espinosa at Joey Norberto Dellosa.
Bahagya namang nasugatan ang pulis na si PO2 Raymond Diaz sa nangyaring pagsalakay.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-11:15 ng umaga sa loob ng isang motel sa Barangay Canelar, Zamboanga City.
Bago ito, nakatanggap ang awtoridad ng impormasyon na nasa loob ng nasabing motel si Atilano at ang dalawang tauhan nito.
Subalit ayon sa mga pulis, pinutukan na agad sila ng mga suspek kaya humantong sa shootout ang operasyon.
Nakuha sa isang silid ng motel ang baril na ginamit ng mga suspek, ilang pakete ng shabu at drug paraphernalias.
The post Zambo motel shootout, pusher tigbak, parak sugatan appeared first on Remate.