ISANG overseas Filipino worker (OFW) sa Qatar ang hinangaan matapos magsauli ng bag na naglalaman ng cellphone at perang nagkakahalaga ng 250,000 Qatari Riyals (QAR) o halos P3 milyon.
Kinilala ang tapat na OFW na si Jayson Castillo, 24, gym receptionist.
Nakita anya niya ang itim na pouch habang break. Kwento niya, “Kinabahan ako. Paano ko isasauli? Naibalik din po sa may-ari. Hindi ko hangad na pag-interes[an]saka nagkaroon ako ng takot.”Sa graduation ceremony ng mga OFW na nagtapos ng Information Technology course, pinuri ni Ambassador Crescente Relacion ang katapatan ni Castillo.
Kinilala rin siya ni Labor Attache Pol de Jesus na umaasa namang, “Sana mas marami pang pumares kay Jayson Castillo.”
Labis naman ang pasasalamat ng may-ari ng pouch sa Pinoy. Sweldo anya ng kanyang mga empleyado ang pera.
The post OFW sa Qatar, nagsauli ng bag na may lamang 250,000 QAR appeared first on Remate.