PATAY ang isang bata dahil sa dikya sa Malalag, Davao del Sur, sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang biktima na si Gerald Avela Relacion, 8-anyos, Grade II pupil, ng Malalag Elementary School.
Nabatid na alas-2:15 kahapon ng hapon, habang naliligo ang biktima sa dagat sa Sitio Babak, Malalag, kasama ang pamilya nang masagi ng dikya ang kanyang mukha.
Agad na tumakbo ang bata sa kanyang mga magulang nang maramdaman ang matinding hapdi at kati.
Pagsapit ng alas-5:45 ng hapon ay binawian na ng buhay ang biktima na sinasabing nalason sa dikya.
The post 8-anyos na bata, patay sa dikya sa Davao appeared first on Remate.