NABULABOG ang mga residente ng isang barangay matapos makuha ang granada na nakahalo sa mga grasa sa tapat ng Barangay Hall sa Caloocan City, Sabado ng umaga, Enero 4.
Sa ulat, alas-11 ng umaga, isang lata ng grasa ang nakuha ni Orlando Pascual sa tapat ng Barangay 100 sa Catleya St., Biglang Awa at nang buksan ay laking gulat nang makita ang isang MK2 Fragmentation Granade na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.
Agad na rumesponde ang mga bomb expert at kinuha ang granada upang hindi makapinsala kung saan inaalam na kung sino ang naglagay sa tapat ng Barangay Hall.
The post Granada natagpuan sa lata ng grasa appeared first on Remate.