HINIHINALANG love triangle ang motibong tinututukan ngayon ng mga awtoridad, matapos binaril ang isang opisyal ng Philippine Navy sa Cebu.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Jerson Arpaleto ng Homicide Section ng Lapu-Lapu City Police Office, malaki ang kanilang paniniwala na may kinalaman sa isang babae ang sanhi ng pamamaslang sa Philippine Navy officer.
Kinilala ang biktima na si Navy Officer 2 Edwin Leiogan,38, opisyal sa Naval Central Command.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, naglalakad ang biktima sa isang madilim na eskinita at tila parang may hinintay nang maganap ang pamamaril.
Nabatid na biglang lumitaw ang isang lalake na naka-jacket na kulay kape at biglang nilapitan ang biktima at kaagad binaril.
Tinamaan ng bala sa leeg ang biktima at idineklarang dead on arrival sa pagamutan.
The post Navy officer binaril, patay sa Cebu appeared first on Remate.