INILIPAT na ang kaso ng apat na Chinese nationals sa Regional Trial Court Branch 14 ng Marcos Hall of Justice sa Laoag sa sala ni Honorable Judge Francisco Quilala na kasalukuyang nakakulong sa Ilocos Norte Provincial Jail.
Ang hakbang ay matapos pinal nang nag-inhibit ang dating huwes na humahawak sa kaso ng mga naturang dayuhan na si Honorable Judge Rosemarie Ramos ng Regional Trial Court Branch 19 sa Bangui, Ilocos Norte.
Sinabi ni Judge Ramos na ito ang payo sa kanya ng Korte Suprema nang humingi siya ng payo sa kataas-taasang hukuman.
Matatandaang una nang nag-inhibit noon si Judge Ramos sa nasabing kaso nang maakusahang tumanggap ng P1 milyon ngunit agad naman nitong binawi.
Dahil sa pabago-bagong desisyon ng huwes, naging kontrobersyal si Judge Ramos lalo pa’t nang mag-privilege speech si Sangguniang Panlalawigan Member, Atty. Vicentito Lazo sa kanilang sesyon at ibinunyag ang nangyayaring case for sale sa sala ng nasabing huwes.
Matatandaang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8294 o illegal possession of high-powered firearms and explosives ang mga naturang dayuhan matapos makuhaan sila ng ilang matataaas na klase ng baril na de silencer pa at eksplosibo sa isinagawang checkpoint sa bayan ng Pasuquin noong Mayo nang nakaraang 2013.
The post Kaso ng 4 Chinese, inilipat sa ibang korte sa Ilocos Norte appeared first on Remate.