DAHIL sa pagseselos, sinaksak ng isang mister ang kanyang misis sa Sitio Dao, Brgy. Alibunan, Calinog.
Kinilala ang biktima na si Narcisa Lozada, 52, na nagkaroon ng sugat sa likod at dibdib matapos sinaksak ng mister na si Eduardo Lozada, 52.
Natutulog ang biktima nang sinaksak ng mister at muntik pang madamay ang dalawang anak nang inawat ang ama.
Ayon kay C/Insp. Rogelio Ortigas, hepe ng Calinog Municipal Police Station, ang suspek ay may nervous breakdown.
Maliban dito, sinasabing nagseselos din ang suspek at binantaan ang pamilya na papatayin ang mga ito.
Matapos ang krimen, agad na tumakas patungong bundok ang suspek na mister dala ang itak.
Natagalan naman ang pagresponde ng mga pulis dahil huli na nang ipinaalam ng pamilya ang krimen.
Ang mag-asawa ay mayroong walong anak.
The post Misis, patay sa saksak ng selosong mister appeared first on Remate.