UMABOT sa ikatlong alarma ang sunog sa isang dalawang palapag na residential building sa San Andres, Maynila kaninang madaling-araw.
Nabatid na nagsimula ang sunog pasado alas-3 ng madaling-araw sa bahay ni Rebeca Gallido sa kanto ng Diamante at Topacio Street sa San Andres, Maynila.
Mabilis namang nagresponde ang mga bumbero kaya naapula rin ang sunog makalipas lamang ang isang oras.
Sinasabing kandila ang sanhi ng sunog dahil ilang taon nang walang kuryente sa naturang bahay.
Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog.
The post Residential building, nasunog sa Maynila appeared first on Remate.