PATAY ang isang teacher habang sugatan naman ang 19 iba pang pasahero ng mini-bus nang umatras ang kanilang sasakyan sa pataas na bahagi ng Zigzag Road sa Mariveles, Bataan, Lunes ng hapon.
Dahil sa mabilis na pagdausdos ng mini-bus ay bumangga iyon sa isang malaking bato sa gilid ng bundok.
Dead-on-the spot ang guro na si Jenna Dulay, 28, guro sa Mariveles National High School habang dinala na sa ospital ang iba pang nasugatang pasahero.
Nabatid na paahon na ang sasakyan malapit na sa patag na bahagi ng zigzag road nang biglang mamatay ang makina at umatras.
Lumalabas na nagkaroon ng mechanical problem ang mini-bus.
The post Titser patay, 19 sugatan sa aksidente sa Bataan appeared first on Remate.