SWAK sa kulungan ang isang barangay kagawad matapos madakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang isinisilbi ang search warrant sa Legazpi City.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac ang nadakip na suspek na si Romeo Vargas, barangay councilor ng Purok 2, Barangay Sabang, Legazpi City, Albay.
Si Vargas ay dinakip ng operatiba ng PDEA Regional Office 5 sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Alben Rabe ng Regional Trial Court (RTC) Branch 15, Tabaco City.
Ayon sa PDEA, si Vargas ay dinakip ng awtoridad sa kanyang bahay at nahulihan ng tatlong transparent sachets ng shabu.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, of Republic Act 9165 o mas kilala sa tawag the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at kasalukuyang nakapiit sa PDEA Albay Provincial Office.
The post Brgy. kagawad, swak sa shabu appeared first on Remate.