PATAY na nang makita ang isang biyuda sa loob ng bahay ng pinagsisilbihang junkshop sa Caloocan City, Martes ng umaga, Enero 14.
Kinilala ang biktima na si Corazon Teoreca, 64, stay-in sa junkshop sa 7th Avenue ng lungsod.
Sa ulat, alas-10 ng umaga, maglilinis ng kanyang kuwarto sa ikalawang palapag ang dalagitang pamangkin ng amo ng biktima nang makitang nakahandusay ang biyuda malapit sa hagdanan.
Tiningnan ng saksi ang biktima at nang malaman na hindi na humihinga ay ipinaalam sa mga pulis.
Wala namang nakitang palatandaan na pinatay ang biktima kung saan inaalam na ang ikinamatay.
The post Biyuda, nakitang patay sa junkshop sa Caloocan appeared first on Remate.