INIREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Department of Education (DepEd) na isuspinde ang klase sa isang eskwelahan sa Estancia, Iloilo na tinamaan ng oil spill noong bagyong Yolanda.
Partikular na hiniling ng DOH na iantala muna ang klase sa Botongan Elementary School hangga’t hindi naiaalis ang naimbak na langis na kumalat sa baybayin.
Ayon kay DOH regional epidemiologist Dr. Glenn Alunsabe, walang dapat nagaganap na academic o extra curricular activity sa loob ng 20-meter danger zone dahil sa panganib ng contaminated oil.
Dagdag pa nito, nagrereklamo ang mga magulang ng mga estudyante roon laban sa masangsang na amoy ng langis mula sa NAPOCOR power barge 103.
Una nang kinumpirma ni PCG – Western Visayas Lt. Commander Dominador Cenadon na may natitirang 300 sako ng debris at 1,000 litro ng contaminated bunker oil sa Estancia.
Bukod pa ito sa 378 drums ng contaminated bunker fuel at 50 tons ng oil debris na hindi pa rin naiaalis sa imbakan nito sa Lapuz.
The post Klase sa eskwelahan sa Estancia, Iloilo ipinasususpinde appeared first on Remate.