Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 drug pushers huli sa buy-bust sa Taguig

$
0
0

KALABOSO ang tatlong notorious drug pushers nang maaresto ng awtoridad sa isinagawang buy bust operation kagabi sa Taguig City.

Kinilala ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Taguig police Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ang mga nadakip na suspek na sina Ronald Paguia, 35, ng 10-c Villa Angelina, Angelito Jacobo, 54 ng 26 Maestrang Pinang, Brgy. Ligid Tipas at Alinader Otto, 34 ng Villa Tupas, San Joaquin, Pasig City.

Batay sa ulat, ilang linggo nang sinusubaybayan ng pulisya ang aktibidad ng tatlo makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa lantarang pagbebenta ng iligal na droga sa naturang barangay.

Alas-10 kagabi nang magawang makipagtransaksyon nina SPO1 Joel Briones at PO1 Dizon Tina na kapwa nagpanggap na buyer kay Jacobo at nasa aktong tinatanggap ang P1,000 markadong salapi nang pinagsalikupan siya ng mga tauhan ni Chief Insp. Amindalan.

Nakumpiska pa ng pulisya sa tatlong suspek ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000, mga paraphernalia sa paggamit ng droga at ang markadong salapi.

Napag-alaman na umabot na sa pito-katao ang nadarakip ng pulisya mula pa lamang sa pagpasok ng buwan ng Enero kaugnay sa pinaigting na kampanya laban sa droga batay na rin sa utos ni Taguig Mayor Lani Cayetano.

The post 3 drug pushers huli sa buy-bust sa Taguig appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>