SINAMPAHAN na ng kaso ng Department of Justice (DoJ) ang 2 Canadian na naaresto kahapon ng madaling-araw sa isang condominium unit na sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sina James Clayton Riach at Ali Memar Mortavazi Shirazi ay sumalang sa inquest proceedings sa harap ni Asst. Prosecutor Atty. Anna Marie Devanadera.
Kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o opossession of dangerous drugs ang ikinaso sa dalawa.
Humarap si Riach sa DoJ kasama ang kanyang abogado ngunit hindi na nagprisinta ng ebidensya ang kanyang kampo dahil gagawin na lamang anila sa paglilitis sa hukuman.
Dahil dito, ang reklamo laban sa Canadian nationals ay submitted for resolution na.
The post UPDATE: 2 Canadian na naaresto sa raid, kinasuhan na appeared first on Remate.