DALAWANG tulak na naman ang nadagdag sa selda matapos ang buy-bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi, Enero 15.
Kinilala ang mga suspek na sina Reynaldo Lebrino, 34 at Gerald Sagucom, 31, kapwa ng San Jeremias St., Karuhatan, nasabing lungsod.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa pagtutulak ng mga suspek ng shabu sa kanilang lugar na naging dahilan upang magkasa ng buy-bust operation, alas-10:45 ng gabi.
Nang iabot ng mga suspek ang sachet ng shabu kapalit ng P300 mula sa pulis na umaktong poseur buyer ay agad na dinamba ang mga una kung saan nakuhanan pa ng isa pang sachet ng shabu.
Ayon pa kay Armamento, puspusan ang kanilang kampanya laban sa droga dahil na rin sa direktiba ng kanilang mayor na si Rex Gatchalian.
The post 2 tulak laglag sa buy-bust sa Valenzuela appeared first on Remate.