POSIBLENG hindi nakayanan ang matinding epekto ng ininom na sex enhancer o “pampatigas” kaya binawian ng buhay ang 60-anyos na lolo kaninang tanghali sa Dragon Hotel sa Sta. Cruz, Maynila.
Nabatid na patay na nang matagpuan sa lugar si Delino Velasquez, ng Vizayan Avenue, Galas, Quezon City na nakilala base sa nakuhang identification card sa kanyang pitaka.
Nabatid na alas-12:10 kaninang tanghali nang madiskubreng patay ang biktima sa Rm.108 ng Dragon Motel sa 632 Trinidad St. Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Marlon Orencio, 29, room boy ng nasabing motel, alas-11:30 ng umaga, nang mag-check- in ang biktima kasama ang isang pick-up girl.
Sinabi umano ng babae kay Orencio na nagkasundo sila ng matanda na pumasok sa motel kapalit ang P300.
Matapos makapaligo ang dalawa ay sinimulan na ang kanilang romansahan ngunit makalipas ang ilang sandali ay napansin ng babae ang kakaibang ikinikilos ng matanda at dahil wala namang nangyari sa kanila ay binayaran na lamang siya nito ng P120 at pinalabas na ng kuwarto.
Hindi naman masabi kung viagra o anong klaseng pampatigas ang ginamit ng biktima dahilan para atakehin sa puso.
The post Lolo, todas sa ‘pampatigas’ sa hotel appeared first on Remate.