MAHIGIT P.1 milyon halaga ng ari-arian ang napinsala sa sunog na naganap mula sa apat na tindahan kaninang umaga sa Baclaran, Parañaque City.
Batay sa inisyal na ulat ng Paranaque Fire Department, alas-7:20 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa isang stall sa may Flores Market na pag-aari ng isang Chinese.
Dahil plastic ang karamihang paninda sa naturang pwesto, mabilis na kumalat ang apoy dahilan upang madamay ang tatlo pa nitong katabing tindahan.
Gayunman, bago mag-alas-8:00 ng umaga ay ganap na rin naapula ang apoy.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog at wala namang naiulat na nasaktan.
The post P.1M nasunog sa 4 tindahan sa Parañaque appeared first on Remate.