SINIBAK na sa kanilang serbisyo ang limang empleyado ng City Treasurers Office (CTO) na napatunayang nagkasala sa pagnanakaw sa P14 milyong koleksyon ng buwis sa Davao.
Ayon kay City Administrator Atty. Melchor Quitain, nagsabwatan ang lima sa pagkamkam sa nakolektang buwis ng lungsod.
Nakilala ang mga akusado na sina Jane Paguidopon, liquidating Officer; Brenda Nirza, collector; Rosalie Remon, collector; Paul Justen B. Almonte; at Analiza Mesa.
Ayon kay Atty. Quitain, mismong si City Treasurer Rodrigo Riola ang nagreklamo sa mga suspek sa nawawalang koleksyon.
Mabigat ang alegasyon kontra sa mga sangkot kaya inalis na rin sa mga ito ang kanilang benefits gaya sa retirement, cancelation sa kanilang illegibility at hindi na makapagtatrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Atty. Quitain, humingi na ng kopya ang Ombudsman sa resulta ng imbestigasyon ng panel of investigators.
Naniniwala si Quitain na makukulong ang limang inireklamong suspek.
The post P14M ninakaw ng 5 empleyado ng CTO sa Davao appeared first on Remate.