BAGO pa lang maglatag ng kanilang operasyon, walong miyembro ng acetylene gang ang natiktikan agad ng pulisya sa tabi mismo ng kanilang tatargetin na pawnshop sa Quezon City.
Kabilang sa mga nahuling suspek na hindi pa pinapangalanan ay isang babae at pawang mga tubong Benguet province.
Nakumpiska sa kanila ang isang acetylene tank at mga gamit na panghukay tulad ng pala, piko at iba pa.
Sa ulat, nahuli ang mga suspek alas-12:45 ng madaling-araw sa isang bahay sa Commonwealth market sa Commonwealth Avenue na tabi ng kanilang tatargetin na pawnshop.
Bago ito, nahuli ng QCPD operatives ang isang miyembro ng naturang gang noong nakaraang Nobyembre lamang.
Simula noon, nagkasa na ng surveillance ang QCPD sa ikinikilos ng nasabing tropa sa tulong na rin ng nahuling suspek.
The post 8 acetylene gang member tiklo sa QC hideout appeared first on Remate.