UMAMING sabog sa droga at alak ang suspek nang gahasain at patayin ang batang babae nang humarap kay Manila Mayor Joseph Estrada.
Nangako naman si Estrada na tutulungan ang pamilya ng biktimang si Arlyn Joy Balolong.
Si Mark Leo Avila ay naaresto noong Linggo ng alas-8 ng gabi sa pinagsanib na puwersa ng MPD-Homicide Section at MPD-Police Station 10 matapos matukoy sa kuha ng CCTV habang hawak-hawak ang bata na naglalakad.
Sasampahan ito ng rape with homicide sa Manila Prosecutors Office.
Ayon naman sa alkalde, dapat maibalik ang parusang bitay dahil masahol pa aniya sa hayop ang ginawa ng suspek sa bata.
Nagtamo ng sugat sa mukha ang suspek dahil halos kuyugin ito ng mga galit na tao.
The post UPDATE: Nang-reyp at pumatay ng bata sa Maynila umaming lango sa droga appeared first on Remate.