Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mga mag-aaral sa Rehiyon 12 ligtas sa tigdas – DepEd

$
0
0

IPINAGMALAKI ng Department of Education (DepEd) sa Region-12 na wala pang nakitaan ng mga sintomas ng tigdas sa mga estudyante na nananatiling normal ang sitwasyon sa mga paaralan sa rehiyon.

Tiniyak ni Dr. Allan Farnazo, acting regional director ng Department of Education (DepEd) 12 na ligtas sa posibleng outbreak ng tigdas ang mga paaralan sa buong Rehiyon 12.

Maaalala na wala pang naitala na kaso ng tigdas sa rehiyon base sa monitoring at surveillance ng DOH regional office sa lugar at ng DepEd.

Sa ngayon wala pang nakitaan ng mga sintomas ng tigdas ang mga estudyante na nananatiling normal ang sitwasyon sa mga paaralan sa rehiyon.

Samantala kahit ligtas at wala pang kaso ng tigdas, tiniyak ng direktor ng DepEd na patuloy ang kanilang monitoring at pagbabantay sa mga paaralan sa kaso ng tigdas.

The post Mga mag-aaral sa Rehiyon 12 ligtas sa tigdas – DepEd appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>