Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Fish kill sa Guimaras posibleng dahil sa oil spill

$
0
0

MALAKI ang posibilidad na oil spil ang dahilan sa pagkamatay ng mga isda sa mga fish pen sa Brgy. Hoskyn, Jordan, Guimaras na inabot ng tumagas na langis mula sa MV Sportivo na lumubog sa Iloilo Strait noong Linggo.

Sa pagsusuri, nabatid na may nakita ring langis sa mga puno ng mangroves sa gilid ng baybayin ng lugar.

Kasunod nito, bumuo na ng “Task Force Sportivo” ang provincial government ng Guimaras para pangunahan ang pagpigil sa magiging pinsala ng tumagas na langis.

Napag-alaman na 12,000 na litro ng bunker fuel ang laman ng cargo vessel ng lumubog at maliban dito, pinangangambahan din ang pinsalang maidulot ng 28,000 na sako ng abono na karga nito.

Ang task force ay nagtakda ng pagsasagawa ng water sampling sa Brgy. Hoskyn sa bayan ng Jordan upang malaman kung ang tumagas na langis mula sa barko ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa lugar.

Naghahanap na rin ang grupo ng barkong gagamitin sa pag-salvage sa MV Sportivo.

The post Fish kill sa Guimaras posibleng dahil sa oil spill appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>