BANGKAY na nang matagpuan ang isang matandang lalaki matapos mahulog sa kanal na may halos apat na metro ang lalim sa Bacarra, Ilocos Norte.
Kinilala ang biktima na si Emmanuel Albano, nagtatrabaho sa isang warehouse sa lugar.
Ayon kay C/Insp. Randy Baoit, chief of police ng Bacarra, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nag-inuman sina Albano at mga kasamahan kagabi bago naganap ang insidente.
Matapos mag-inuman ay nagkanya-kanya na sila ng uwian hanggang mapansin na nasa lugar pa rin ang motorsiklo ni Albano.
Hinanap nila si Albano at nakita na nakadapa ang biktima sa malalim na kanal ngunit patay na.
Sinabi ng mga kasamahan ni Albano na madalas nahuhulog sa kanal ang biktima kapag nalalasing.
The post Lolo sumemplang sa kanal tepok appeared first on Remate.