Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Shoot-to-kill order ikinasa vs 3 pugante sa GenSan

$
0
0

IKINASA ng pulisya ang shoot-to-kill order laban sa tatlong pugante na nakapuga sa Tambler police station.

Pinag-ibayo pa ang pagtugis ng tracker team sa tatlong mga bilanggo na kinilalang sina Datu Ding Ayub, James Cadatu-an at Junrez Doce na nahaharap sa kasong rape at illegal drugs.

Kinumpirma ni P/Insp Reynaldo Rojo ang pagsuko nina Alvin Aguilar, Sonny Boy manalag, Rodel Landunay at pagkaaresto naman kay Roger Noynay.

Matapos ang isang linggong paghahanap, nagpalabas ng shoot-to-kill order si C/Supt. Lester Camba, OIC regional director ng PRO-12 para sa ikahuhuli ng tatlong inmates.

Ipinagkanulo ng mga pugante na ang may pakana sa pag-eskapo ay si Ayub na sinasabing nagtago sa Palembang, Sultan Kudarat.

Una nang kinumpirma ni City PNP director S/Supt. Froilan Quidilla na bumuo na sila ng pitong tracker teams para maibalik sa selda ang mga akusado.

The post Shoot-to-kill order ikinasa vs 3 pugante sa GenSan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129