NAPATAY ang dalawang miyembro ng kilalang grupo ng holdaper makaraang makipagpalitan ng putok sa awtoridad sa Paracale, Camarines Norte.
Ang pagkamatay ng dalawang suspek ay kinumpirma mismo ni PC/Insp. Rommel Labaro matapos ang kanilang isinagawang operasyon sa Barangay Batubalani.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Rodel Enar at isang alyas Albert na kapwa bumulagta matapos ang palitan ng putok.
Ayon sa opisyal, isang tawag ang kanilang natanggap sa pag-atake ng armadong kalalakihan sa nasabing barangay at tangkang panghoholdap sa hindi pa matukoy na biktima.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad na agad na namataan ang grupo na naging sanhi ng palitan ng putok.
Pinaniniwalaang miyembro ng grupong Velasco Gang ang nasabing grupo na modus ang holdapin lahat ng kanilang madaanan.
The post 2 miyembro ng ‘Velasco Gang’ kumasa sa parak, tigbak appeared first on Remate.