TATLO ang nalagas habang lima ang nasugatan nang ma-sandwich ang kanilang sinasakyang traysikel ng dalawang nag-uunahang trak sa Pangasinan nitong Miyerkules ng gabi, Enero 22.
Dead on the spot sanhi ng kapansanan sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Junice Velasco, 37, Jisel Tawataw, 34 at Mary Jane Vallares, 40.
Isinugod naman sa iba’t ibang pagamutan sanhi ng kapansanan sa katawan ang mga sugatang biktima na pawang hindi nakuha ang mga pangalan.
Nasa kustodiya na ng Mabini Police para panagutin sa patong-patong na kaso ang dalawang drayber ng trak na sina John Michael Sosim at Jerome Musngi.
Ayon kay Mabini Police Chief Senior Inspector Elpidio Cruz, naganap ang insidente alas-10:15 nitong Miyerkules ng gabi sa national highway ng Barangay Tagudin, Mabini, Pangasinan
Bago aniya ito, lulan sa traysikel ang walong pasahero nang maipit sa dalawang nag-uunahang trak na minamaneho nina Sosim at Musngi.
The post Tricycle naipit ng 2 trak, 3 patay, 5 sugatan appeared first on Remate.