NAGDEKLARA na rin ng state of calamity ang Surigao City dahil sa lawak ng pinsalang iniwan ng tropical depression Agaton.
Kinumpirma ni Annete Villaces na inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang rekomendasyon ng Surigao City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) hinggil sa deklarasyon.
Batay sa report ng City Social Welfare Office, umabot sa 827 pamilya o 3,524 indibidwal ang lumikas sa 13 mga barangay habang nasa P211,000 naman ang halaga ng nasirang livestock at poultry products.
Sinabi rin ng Department of Education (DepEd) na hindi bababa sa P1.9-million ang nasira sa mga paaralan dahil sa masamang lagay ng panahon.
Una nang isinailalim sa state of calamity ang mga probinsya ng Agusan del Norte, Agusan del Sur at Surigao del Norte at ang mga siyudad ng Butuan at Bislig dahil sa malalang danyos sa imprastraktura at agrikultura.
The post Surigao City nagdeklara na rin ng state of calamity appeared first on Remate.