Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Dalagang ina, tinigbak ng nilokong manliligaw

$
0
0

ISA sa sinisilip na motibo ng pulisya sa pagpatay sa isang dalagang ina sa San Carlos City, Pangasinan ay pighati ng nilokong manliligaw nito.

Ayon San Carlos City Police, hindi tinangay ng hindi nakikilalang suspek ang kinita sa karinderya na pagmamay-ari ng biktimang si Marilou De Vera, 35, nagtamo ng dalawang tama ng kalibre 45 sa katawan kaya teorya nilang may matinding dahilan kung bakit pinatay ang biktima.

Bagama’t hindi naman ibinunyag ang pangalan ng suspek, nagpakalat na agad ng mga tauhan ang pulisya para sa lalong madaling panahon ay mahuli ito.

Naganap ang insidente alas-7:45 nitong Miyerkules ng gabi sa loob mismo ng karinderya ng biktima na nasa Barangay Bagaoan, San Carlos City.

Bago ito, umuwi ang biktima sa kanilang probinsya nang mabuntis ito habang nasa Metro Manila.

Pagkatapos manganak ilan linggo na rin ang nakararaan, tumao ito sa kanilang karinderya para may ipambili ng gatas ng kanyang anak.

Pero kagabi, biglang may dumating na kustomer ang biktima na hindi naman bibili ng ulam kundi para maningil sa panlolokong ginawa sa kanya ni De Vera.

The post Dalagang ina, tinigbak ng nilokong manliligaw appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129