NAGING madugo ang paglalatag ng “Oplan Galugad” sa Quezon City nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang dalawang pulis na rumoronda sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi, Enero 23.
Isinugod muna sa East Avenue Medical Center (EAMC) pero inilipat din agad sa Chinese General Hospital para maoperahan sina P02 Randolf Olivar na tinamaan sa hita at si P02 Archie Evangelista na tinamaan naman sa baywang. Sina Olivar at Evangelista ay kapwa miyembro ng QCPD station 2.
Wala namang ideya pa ang QCPD kung sino ang mga namaril pero may hinala na ang nagkasa ay drug pushers na nagkalat sa Sitio Kilyawan, Baarangay Bagong Pagasa, Q.C.
Bago ito, naglalatag ng Oplan Galugad ang mga biktima bilang kampanya sa lumalalang krimen sa lugar.
Pero nang nasa kalagitnaan na ang dalawang pulis sa pag-iinspeksyon, biglang may nagpapatutok ng baril na mula sa bubungan ng mga residente.
The post 2 pulis sugatan sa QC Oplan Galugad appeared first on Remate.