NAGPOSITIBO sa illegal drugs ang siyam na sundalo sa isinagawang drug test ng Philippine Army.
Sa ngayon, isinailalim na sa Articles of War ang siyam na sundalo na bahagi ng 6th Infantry (Kampilan) Division ng Philippine Army sa Maguindanao na kabilang sa nadiskubreng nagpositibo sa iligal na droga.
Ang ulat ay kinumpirma ni Col. Dickson Hermoso, tagapagsalita ng 6th ID.
Sinabi rin ng opisyal na ang siyam na mga kawal na mula sa kanilang division ay iimbestigahan at daraan sa proseso para hindi malabag ang kanilang karapatan.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos lumabas sa ulat na may mahigit 100 sundalo ang nagpositibo sa random drug test.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Col. Hermoso, may mga sundalo nang tinanggal sa serbisyo dahil sa iligal na droga pero hindi muna binanggit ang bilang ng mga pinatalsik sa serbisyo.
The post 9 sundalo sa 6th ID, nagpositibo sa droga appeared first on Remate.