DISMAYADO ang isang Obispo ng Catholic Church hinggil sa mabagal na pag-usad ng hustisya sa kaso ng pinatay na Italyanong Pari na si Fr. Fausto Tentorio na pinaslang noong Oktubre 2011 sa loob ng compound ng parish church sa bayan ng Arakan sa North Cotabato.
Kaugnay nito, lumiham naman kaagad si Kidapawan Bishop Romulo dela Cruz kay Justice Secretary Leila de Lima upang ipaalam ang mabagal na trato sa kaso.
Sa kanyang liham, kinuwestyon ni Dela Cruz kung mayroong humaharang kaya mabagal ang usad ng imbestigasyon.
“Why are the wheels of justice apparently stuck? Is someone blocking or diverting the investigations again? How can we trust that justice is possible under the present administration?” bahagi pa ng liham ng Obispo.
Sinabi ng Obispo na may nakarating na impormasyon sa kanya na ang unang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ay hinarang at na-divert habang ang mga pangunahing testigo ay binawi ang kanilang testimonya.
Bagama’t mayroon na umanong bagong team ng mga imbestigador para rito, ay hindi pa rin naman sila makapagsimula ng trabaho.
May mga isinumite na umano ang kanilang abogado na mga taong maaaring imbestigahan o makapagbigay ng impormasyon pero hanggang ngayon ay wala pang case conference ang nasabing team.
The post Hustisya sa pinaslang na pari, wala pa ring linaw appeared first on Remate.