Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Frustrated murder vs Deniece, Cedric ikakasa

$
0
0

KASONG tangkang pagpatay ang isasampa ni Vhong Navarro laban sa mga taong nasa likod ng pambubugbog sa kanya noong Enero 22.

Ayon kay Dennis Manalo, abogado ni Navarro, kung may mas mabigat pa sa frustrated murder ay ito ang ikakaso nila sa mga salarin.

Ani Manalo, hindi pa tukoy ang mga pangalan ng mga sasampahan ng kaso ngunit siguradong kasama sina Cedric Lee, Bernice Lee at Deniece Milinette Cornejo.

Malinaw na blackmail ang motibo sa insidente dahil hinihingan ang biktima ng isang milyong piso.

Wala umanong silbi ang pagpapa-blotter ng mga suspek kasama si Vhong sa police station dahil kaya nilang patunayang “under duress” o sapilitang pinaamin sa isang krimen si Navarro.

Malinaw rin na walang naganap na “attempted rape” sa panig ni Navarro dahil inimbita ito ni Deniece sa kanyang condominium.

Sa salaysay ni Vhong, tinangka siyang kikilan ng mga suspek.

Sinabi ng mga itong iaatras ang blotter, hindi lalabas ang video at walang makaaalam sa insidente kung magbabayad siya ng isang milyong piso.

Idedeposito ni Navarro ang pera sa bank account na ibinigay ng mga suspek.

Unang sinabi ng “It’s Showtime” host na walang nangyaring sexual intercourse sa kanila ni Deniece.

Dahil sa pambubugbog, ooperahan ang bridge ng ilong ni Navarro.

Susuriin din ang kanyang ulo upang malaman kung ano pa ang mga pinsalang kanyang natamo.

Samantala, lumutang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang limang gwardiya sa Forbeswood Condominium sa The Fort, Taguig City kung saan naganap ang pambubugbog kay Navarro.

Alas-10:00 kaninang umaga nang dumating sa tanggapan ng NBI National Capital Region ang limang security guard matapos padalhan ni NBI-NCR Chief Efren Meneses ng subpoena.

Pinadalhan din ng subpoena sina Lee at Cornejo ngunit hindi pa nagpapakita sa NBI.

Si Cornejo ang freelance model na nag-akusa ng panggagahasa kay Navarro.

Si Lee naman ay ang dating karelasyon ni actress Vina Morales kung saan nagkaroon siya ng anak na babae.

Sinusuri na rin ng NBI ang pahayag ni Navarro sa “Buzz ng Bayan” upang pag-aralan ang kanyang mga akusasyon.

The post Frustrated murder vs Deniece, Cedric ikakasa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>