Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sekyu natagpuang patay sa Port Area, Maynila

$
0
0

HINDI na nakauwi pa sa kanyang pamilya matapos mag-duty ng 49-anyos na security guard nang matagpuang patay sa Port Area, Maynila kagabi.

Hinihinalang may ilang araw nang patay ang biktimang si Ferdinand Ablong, Jr., security guard ng RVV Security Agency, nakatalaga sa Manila International Container Terminal (MICT) at residente ng Area F Gate 20, Parola Tondo, Manila.

Sa report, alas-6:30 kagabi nang natagpuang patay ang biktima sa Berth 6 ng MICT sa Port Area, Manila.

Ayon kay Joanna Empinado, live-in partner ng biktima, nag-alala siya kung bakit hindi umuwi ang kanyang asawa matapos ang kanyang duty ng 2:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi sa Berth 6 ng MICT noong Sabado kaya nagtungo siya sa tanggapan ng kanilang ahensiya upang alamin.

Dahil dito, pinuntahan ni Eduardo Gregorio at iba pang kasamahang guwardiya ang lugar kung saan kanilang natagpuang patay na ang biktima na naka-uniporme pa.

Inaalam na kung may foul play sa insidente.

The post Sekyu natagpuang patay sa Port Area, Maynila appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>