Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Shellfish mula Sibuguey Bay, positibo sa red tide

$
0
0

PANSAMANTALANG ipinagbawal ng pamahalaan ang panghuhuli, pagbebenta at pagkain ng shellfish mula sa Sibuguey Bay sa Zamboanga Sibugay matapos matuklasang positibo ang lugar sa red tide toxin.

Nakasaad sa Shellfish Bulletin No. 02 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nakarating sa tanggapan ng Department of Health (DoH), bukod sa Sibuguey Bay, nananatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison na lampas sa regulatory limit ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Bataas coastal waters kabilang ang Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.

Anang BFAR, lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakukuha sa naturang lugar ay hindi ligtas para sa human consumption.

Gayunman, ang mga isda, pusit, hipon, at alimango na nakukuha sa mga naturang lugar ay maaaring kainin.

Kinakailangan lamang tiyaking sariwa ang mga ito, nahugasang mabuti at inalisan ng bituka at hasang bago ilutong mabuti.

The post Shellfish mula Sibuguey Bay, positibo sa red tide appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129