SUGATAN ang isang matandang dalaga matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakatayo sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Enero 27.
Ginagamot sa Tala Hospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang tuhod at kanang hita si Ruth Bagatan, 55 ng NHA Tala ng lungsod.
Sa ulat, alas-7:40 ng gabi, nakatayo ang biktima sa Beverly Hills St., Tala ng lungsod nang mula sa dilim ay pinagbabaril ng suspek.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TH kung saan inaalam na kung sino at ano ang motibo ng una sa pamamaril.
The post Matandang dalaga, niratrat sa Caloocan appeared first on Remate.