PATAY ang isang Australyano nang sakalin ng 31-anyos na babae na kanyang isinama sa inuupahang apartment sa Lapu-lapu City, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Rodney Chamber, 59.
Sa imbestigasyon, kasama ni Chamber ang babaeng suspek na pumasok sa nirerentahang apartment sa Barangay Pajo, Lapu-Lapu City.
Pero ilang oras pa ay narinig ng mga kapit-bahay na nag-aaway na ang dalawa nang palayasin ng dayuhan ang babae na pilit namang sinisingil ang biktima hanggang sa tumahimik na ang lugar.
Sa presinto, depensa naman ng babaeng suspek na idinepensa lang niya ang sarili laban kay Chamber.
Bukod aniya sa hindi siya binayaran ng biktima ay sinaktan pa siya nito dahilan para lumaban siya at sakalin ang dayuhan.
The post Australyano, patay sa sakal ng bebot appeared first on Remate.