Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: QCPD mobile, kasabwat ng riding-in-tandem?

$
0
0

SINISILIP na ng awtoridad kung may sabwatan sa pagitan ng pulisya at ang riding-in-tandem na nangholdap sa isang gasoline station sa Quezon City kaninang Huwebes ng madaling-araw, Enero 30.

Ayon kay Jovie Agustin, kahera ng Caltex station na nasa kanto ng Congressional Avenue at Cagayan St., bago ang pag-atake ay may dumaang QCPD mobile patrol unit sa kanilang istasyon at nagbilin na sakaling may mangholdap sa kanila ay tawagan sila agad.

Natuwa pa siya sa paalala ng mga pulis na sakay sa hindi naplakahang police mobile dahil may nagbabantay para sa kanyang kapakanan.

Pero matapos ang 30 minuto lamang o eksaktong 2 ng madaling-araw, nagulat si Agustin nang biglang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan na sakay sa isang motorsiklo na may takip ang plaka at nagdeklara ng holdap.

Sa pagkabigla, isinara ni Agustin ang lock ng kanyang pintuan pero sinira ito ng mga suspek at nakuha ang P7,000 kita ng gasolinahan.

Sa kabila ng wala namang nasaktan sa insidente, napaisip tuloy si Agustin kung may kinalaman ang mobile patrol police na dumaan sa kanilang gasolinahan bago naganap ang panghoholdap.

Susuriin naman ng QCPD ang kuha ng closed circuit television (CCTV) camera, na ang isa sa mga suspek ay nakapuwesto mismo sa upuan ng kahera.

The post UPDATE: QCPD mobile, kasabwat ng riding-in-tandem? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>