Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pagpapakalat ng sundalo sa MM, magpapalala sa sitwasyon – solon

$
0
0

NABABAHALA si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon na lalala ang sitwasyon kapag ang mga sundalo ang ipinakalat Metro Manila upang humabol sa mga kriminal.

Paliwanag ng kongresista na kapag nangyari ito ay lalong babagsak ang moral ng kapulisan at maakusahan ang administrasyong Aquino ng pagpapairal ng martial law.

Upang makatulong, aniya, sa pagsugpo sa sunud-sunod na krimen sa Kamaynilaan ay sinabi ng mambabatas na dapat armasan ang mga gwardiya sa mga malls dahil magagamit ito kapag may nagtangkang masama sa mga establisimyento.

Kwestiyunable para kay Biazon kung bakit walang dalang baril ang mga gwardiya noong kasagsagan ng nakawan sa loob ng Megamall dahil bukod, aniya, sa baril ay dapat meron ding mga metal detector ang mga gwardiya sa mall upang hindi malusutan ng mga masasamang loob na may dalang baril.

Ayon kay Biazon, dapat mabigyan ng pagkakataon ang Philippine National Police na maisaayos ang public order at huwag isabak sa kalunsuran ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Hindi, aniya, katuwiran na kapag nalusutan na ang PNP ng mga criminal sa gitna ng pagpapatupad ng gun ban ay mawawala na rin ang kumpiyansa ng publiko sa mga awtoridad.

Sinabi pa ng kongresista na hindi maiiwasan na minsan ay magkaroon ng pagkukulang sa panig ng law enforcers subalit ang mahalaga ay ginagawa ng PNP ang kanilang trabaho at tinitiyak ang seguridad ng publiko.

Nilinaw naman ni Biazon na walang training sa police work ang mga miyembro ng AFP kayat hindi sila dapat isabak sa paghahabol sa mga kriminal.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129