DALAWANG armadong kalalakihan ang nasa kritikal na kalagayan matapos makipagbarilan sa mga nagrespondeng pulis kaninang madaling araw sa Dulong Bronze St., Tugatog, Malabon City.(Feb.3)
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Michael Galla y Pambid, 23, binata ng 243 Sitio 6 Catmon, habang kritikal naman sa Jose Reyes Memorial Hospital si Manny Manzano y Peralta, 19, ng Bagong Silang, Navotas City sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng .9mm pistol sa iba’t ibang parte ng katawan.
Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina Sp01 Redenter Mantal at P03 Jerry Dela Torre, dakong alas 2:30 kaninang madaling araw ng maganap ang barilan sa Dulong Bronze sa nasabing barangay.
Nauna rito, ilang concerned citizen sa mula sa Dulong Bronze ang tumawag ng responde sa Police Community Precint-4 (PCP4) sanhi ng dalawang armadong kalalakihan ang kahinihinalang kilos kaya agad naman tumalima ang mga awtoridad na pinangunahan ni SP01 Jerome Peralta kasama ang mga barangay tanod.
Pagsapit sa nasabing lugar agad silang pinaputukan ng mga suspek kaya agad na gumanti ng putok si Sp01 Peralta na nagresulta sa kapwa sugatan sanhi ng tinamong tama ng baril sa katawan.
Nabawi sa mga suspek ang dalawang improvice shotgun (sumpak) bago sila kapwa dinala sa nasabing mga pagamutan.
Matatandaan na si Sp01 Peralta ay minsan ng nakabaril at napatay nito ang rape suspek na si Michael Guevarra ng agawin ang baril ng kasamahan nitong pulis kamakalawa lamang sa tulay ng Longos ng lungsod.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam kung anong grupong ang kinakaaniban ng mga suspek.