“NAGKATAON lang”.
ITO ang naging reaksyon ni Manila Police District Director Chief Supt. Alex Guttierres, sa umano’y paglaganap ng krimen na may kinalaman sa baril tuwing nalalapit ang eleksyon.
Ayon kay Guttierres sa Balitaan sa Tinapayan ngayong linggo, nakikitang malinaw lamang na may krimen ngayon dahil na rin sa ipinatutupad na election gun ban
“Kahit hindi naman eleksiyon, may insidente pa rin ng karahasang nagaganap, “ pahayag pa ng general.
Aminado naman ang general na mayroon ding pulis na nasa likod ng mga krimen na inihalimbawa nito ang isang SPO4 ng CIDG na ngayon ay nakakulong na, aniya, sa Muntinlupa.
Gayunman, sinabi ni Guttierres na bagamat nasasangkot ang mga pulis ay hindi naman hinahayaan ng PNP ang mga miyembro nito na manatili sa serbisyo.
Kung maari lang, aniya, ay tanggalin ang mga pulis sa serbisyo at dapat maipakulong.