Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lisensiya ng baril ni Lee hindi babawiin – PNP

$
0
0

HINDI babawiin ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya ng baril ng negosyanteng si Cedric Lee kung walang court order.

Kamakailan, ipinababawi ng kampo ni Vhong Navarro ang lisensya ng baril ni Lee matapos itutok sa kanya habang binubugbog ng negosyante at mga kaibigan sa loob ng condominium unit na inuupahan ni freelance model Deniece Cornejo sa Taguig City noong Enero 22, 2014.

Ani PNP Firearms and Explosives Office Chief Superintendent Louie Tiroy Oppus, puwede nilang bawiin ang lisensya ni Lee ngunit wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo mula sa kampo ni Navarro.

Kailangan nilang sumunod sa Republic Act no. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Resolution.

Nakasaad sa Article 5, Section 39 ng nasabing batas na maaari lamang kanselahin ang inisyung lisensya sa baril kung may court order.

Matatandaang nabalita ang kontrobersyal na negosyante ay may koneksyon sa matataas na opisyal ng PNP.

Sinabi naman ni Oppus na dalawa ang lisensyadong baril ni Lee at kailangang specified kung alin ang ipakakansela.

Sinabi rin ni Oppus na kapag nasunod ng kampo ni Navarro ang mga hinihiling ng batas ay babawiin nila agad ang nasabing mga lisensya ng baril.

Samantala,  may bagong kautusan ang PNP sa pagba-blotter ng mga kaso matapos masangkot ang pulisya sa mga maling report.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac, mismong si PNP Chief, Director General Alan Purisima, ang nagsabing kailangang remedyuhan ang administrative lapses.

Mula noong Lunes, hindi na pwedeng tumanggap ng blotter reports ang police staff offices na nagsasagawa ng administrative functions tulad ng logistics, intelligence, finance at investigation department.

Matapos bugbugin si Navarro ng grupo ni Lee dahil sa umano’y panggagahasa kay Cornejo, dinala siya sa Southern Police District Investigation and Detective Management Division para ipa- blotter.

Hindi sinampahan ng kaso si Navarro.

Utos ni Purisima, mga units lamang na may investigative responsibilities ang awtorisadong mag-blotter.

Sa hiwalay na report, P5,000 ang iginawad ng PNP sa security agency ng pangmayamang condominium sa Taguig City kung saan nabugbog si Navarro dahil sa kapalpakan nilang hindi pagre-report ng insidente.

Pwede ring matanggalan ng lisensya ang United Megaforce Security Services Inc. kung mapatutunayang may nagawang kamalian.

The post Lisensiya ng baril ni Lee hindi babawiin – PNP appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>