Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

MRT Line 3 nabulilyaso dahil sa TRO

$
0
0

MALAKING problema pa rin sa namumuno ng MRT Line 3 ang patuloy na pagdami ng pasahero o overcrowding.

At ang nakikitang solusyon ng management ay ang bagong bagon na magagamit ng mga pasahero.

Sa briefing sa House Committee on Transportation, ipinaliwanag ni MRT Line 3 General Manager Al Vitangcol na ang capacity ng linya nito ay nanatili sa 350,000 passengers pero ang ridership nito ay tumaas na sa 561,812 passengers kada araw nitong 2013 mula sa 502,636 passengers noong 2011.

Ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit minamadali ang expansion project ng MRT Line 3.

Sa ilalim ng proyekto, 48 bagon o light rail vehicles ang kailangang bilhin at may aprubado na itong pondo na P3.7 bilyon.

Ngunit maaantala aniya ang proyektong ito na dapat sana ay nasimulan noong January 30 dahil sa pag-iisyu ng temporary restraining order ng Makati Regional Trial Court dahil pinigilan nito ang pagbili ng mga bagong bagon ng Department of Transportation and Communication (DOTC).

Inihayag naman sa naturan ding briefing ni LRT Project Manager na si Danilo Tolentino na masisimulan ang LRT Line 1 extension project sa October 2014 at inaasahang matatapos ito sa June 2017.

Aabot ng 11.7 kilometro ang madaragdag sa kasalukuyang haba ng LRT Line 1 na 20.7 kilometers.

Walong passenger stations ang itatayo mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite at magkakaroon ng 120 bagon na magsisilbi sa mga pasahero na tinatayang mahigit 820,000 araw araw.

Aabot naman sa mahigit P60 bilyon ang gugugulin dito, P30.9 bilyon ang sa PPP  habang P29.9 bilyon ang magmumula sa national government at Japan International Cooperation Agency o JICA.

Inirerekomenda rin na ang gobyerno ang sumagot sa real property tax na kailangang bayaran para sa proyekto na tinatayang mula P200 milyon hanggang P1.6 bilyon kada taon.

The post MRT Line 3 nabulilyaso dahil sa TRO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>