NAREKOBER sa Sulu nitong Sabado ng gabi ang dalawang television camera crew na kasama ang isang Jordanian journalist na parang bulang nawala noong nakaraang Hunyo 2012.
Hindi naman masabi pa ng pulisya kung may ransom money na ibinayad ang pamilya ng mga biktimang sina Ramil Vela at Buboy Letriro kapalit ng kanilang kalayaan.
Sinabi ni Autonomous Region in Muslim Mindanao police head Chief Superintendent Noel delos Reyes na isinasailalim na ngayon sina Vela at Letriro sa debriefing.
“Last night they were recovered from the hotel they were staying,” pahayag ni Delos Reyes kaninang umaga (Pebrero 3) sa ikinasang maliit na media briefing.”I think they will be flown back to Manila,” dagdag pa nito pero hindi naman sinabi kung kailan.
Sina Vela at Letriro ang tinutukoy ni Delos Reyes , na nawala noon pang Hunyo 12, 2011, kasama ang Jordanian TV reporter na si Baker Atyani ng Al Arabiya news channel.
Hindi naman nagkomento si Delos Reyes hinggil sa kalagayan ni Atyani.
Sa ulat, tinawagan ni Vela ang kanyang misis para ipaalam na sila ay pinalaya na at ito naman ang nagpaalam sa Philippine National Police’s Anti-Kidnapping Group (AKG).
Tinawagan naman ng AKG ang Sulu police provincial office at kinumpirma naman na sina Vela at Letriro at pinalaya na.
“The two are now under protective custody of the Sulu provincial police office,” dgdag pa ni Delos Reyes.
Tumanggi naman ang dalawa na magkomento hinggil sa kung nagbayad ng ransom ang kanilang mahal sa buhay.