KILALA na ng mga pulis ang dalawang lalaking pinatay bago itinapon sa kalsada sa Valenzuela City noong Miyerkules ng umaga, Pebrero 5.
Kinilala ng mga kaanak ang mga biktimang sina Jonie Samson, 26 at Mark Jhopeth Oscariz, 19, kapwa ng Balintawak, Quezon City.
Sa record ng pulisya, alas-6 ng umaga noong Pebrero 5 nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa Mindanao Ext., Ugong ng lungsod.
May mga saksak ang mga biktima at parehong miyembro ng Batang City Jail at nang puntahan ng mga pulis ang Quezon City Jail dala ang litrato ng mga una ay nakilala ng mga inmates si Samson.
Lumalabas na nakulong si Samson sa QC Jail sa kasong Robbery at nakalaya at nang puntahan ang lugar ng mga biktima ay positibong kinilala ng mga kaanak kung saan huling nakitang buhay noong Pebrero 3, 2014.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang may kagagawan sa pagpatay sa mga biktima.
The post 2 salvage victim sa Valenzuela kilala na appeared first on Remate.