NASUNOG ang isang residential area malapit sa bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times St., Quezon City.
Nabatid na 3:35 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay ni dating Customs Commissioner at retired General Salvador Mison sa Times Street, West Triangle Homes 1.
Nabatid na nagsimula ang sunog sa computer room ng bahay.
Tinupok ng apoy ang 70-porsyento ng bahay na naapula makalipas ang isang oras.
Umabot sa P3 milyon ang pinsala sa sunog.
The post Residential area malapit sa bahay ni PNoy nasusunog appeared first on Remate.