AMINADO si Justice Secretary Leila de Lima na tumatayo ring chairperson ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na nakakaalarma na ang ulat na paggamit at pag-recruit ng mga kabataan sa Mindanao na ginagamit para sa sagupaan laban sa tropa ng pamahalaan.
Ayon kay De Lima, karamihan sa mga naitalang casualties kasi sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng iba pang grupo laban sa government forces ay pawang mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 16 ang biktima.
Kaugnay nito, maituturing aniyang paglabag sa Republic Act 9208 as amended by Republic Act 10364 ang paggamit sa mga kabataan lalo na sa transporting, recruiting at pag-adopt ng mga ito para gamitin sa mga armed activities at trafficking.
Dahil dito, kinokondena ng IACAT ang nasabing aktibidad kasabay ng panawagan na tigilan na ang pag-recruit sa mga ito.
Babala pa ng kalihim, ang sinumang nasa likod ng nasabing recruitment ay maaaring makulong at pagmultahin ng P2 million at hindi lalagpas ng P5 million.
The post DoJ nagbabala sa pag-recruit ng mga child warrior sa Mindanao encounter appeared first on Remate.