Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Suspensiyon sa Florida Bus, ikinakasa na

$
0
0

IKINAKASA na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang suspensiyon laban sa Florida Bus Company dahil sa  pagkahulog sa malalim na bangin sa Bontoc, Mt. Province na ikinamatay ng 17 katao kabilang ang aktor na si Arvin “Tado” Jimenez.

Ayon kay LTFRB chairman Winston Ginez, hihintayin muna nila ang report mula sa LTFRB Cordillera office bago magpatupad ng suspensyon.

Sa protocol ng ahensiya, 30-day preventive suspension ang ipapataw sa mga bus companies na nasasangkot sa malagim na aksidente.

Matatandaan  na kinabibilangan ng komedyanteng si Arvin “Tado” Jimenez o mas kilala sa Tado at iba pa ang namatay sa malagim na trahedyang naganap sa Bontoc sa Mountain Province.

Napaulat na alas-5:30 kahapon ng umaga nang mahulog sa may 500 metro lalim na bangin ang bus na kinalululanan ng komedyante at iba pa na ang karamihan ay mga turista.

Naulila ni Tado ang kanyang misis at apat na anak na sina Leidulataja, Katrina May, Indi at Tila.

Dalawang foreigner din na kinabibilangan ng Dutch at Canadian national ang kabilang sa mga namatay.

Patuloy namang inaalam ang sanhi ng insidente at pagkilatis sa lisensiya ng Florida bus na ngayon ay nalalagay sa balag ng alanganin ang operasyon.

The post Suspensiyon sa Florida Bus, ikinakasa na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129