NAKALAGAK pa rin ang bangkay ng komedyanteng si Tado o Arvin Jimenez sa isang morge sa Mountain Province.
Maalalang isa ang komedyante sa 14 kataong namatay sa nahulog na pampasaherong bus sa isang bangin sa lugar kahapon ng umaga.
Napag-alaman din na bago pa man bumiyahe ang nabanggit na komedyante ay nagawa pa niyang mag-post sa kanyang Twitter account ng mga katagang “North or South…cemetery.”
Tutungo sana si Tado sa Mt. Province upang mag-interview may kaugnayan sa ginagawa niya at iba pang mga artists na proyekto na pinamagatang “40 Mountains Project.”
Dahil dito, maraming mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pakikipagdalamhati sa inulilang misis at apat na anak ng komedyante na sina Leidulataja, Katrina May, Indi at Tila.
Sa ngayon, nanawagan si Col. Oliver Enmodias, Police Provincial Director ng Mt. Province sa mga kamag-anak ng mga biktima na magtungo sa kanilang opisina.
Kinilala naman ng mga awtoridad ang mga namatay na sina Marcial Bernard, Jr., Andrew Davis Sicam, Natividad Ngawa, Gerald Baja, Alvin Jimenez, Lea Reyes, Ana Alaba, Redentor de Lara, Emily Gentalian, Katrina Gozoz, Jonathan Patulot, Jovanie Bam Morillo, isang graphic artist ng isang sport channel at ang aktor/Singer na si Arvin ” Tado” Jimenez at isang di pa nakikilalang babae.
Kasama sa mga namatay ang dalawang dayuhan na sina Alex Loring ng Canada at Anne Van de Van ng Netherlands habang dalawampu’t anim naman ang kasalukuyan pang ginagamot sa Bontoc General Hospital habang ang nailipat anim ay inilipat sa ibang pagamutan.
Ayon kay Col. Oliver Imodjas, Police Provincial Director ng Mt. Province, posible umanong mechanical defect ang dahilan ng nasabing pagkahulog ng bus sa isang bangin na may lalim na 500 metro.
The post Bangkay ni ‘Tado’ nasa Mt. Province pa appeared first on Remate.